Friday, July 10, 2009

Bonggang Bonggang Bong Bong!!!




Bongang bonga talaga ang ating superhero na si Sen. Bong Revilla Kung natatandaan nyu pa ang nangyari kay Christopher borja(AKA Inday Garutay) at sa sister nating si binibining gandang hari(AKA Rustom Padilla). Ito ay nung pwersahang palabasin ng Aruba bar and restaurant itong dalawang sister natin na naganap ng mag kahiwalay na araw. ito ay dahil lamang sa pagsusuot nila ng damit pang babae, makikita nyu dito kung gaano katindi ang diskriminasyon sa ating bansa. (OMG Grabe na itech!!!)
Nakarating agad kay Sen. Bong Revilla ang pangyayareng ito. kaya’t inaksyunan niya agad at nagsumite ng hearing sa Philippine Senate patungkol sa anti-discrimination bill(senate bill no. 1738). Ngunit, subalit, datapwat ito ay hindi sinang-ayunan ng ating mga lola sa senado.
Gayun pa man ay malaking pasasalamat naming kay Sen. Bong Revilla dahil sa kanyang tugon at pagbibigay simpatya sa ganitong issue. Dahil binibigyan nya ng halaga ang katulad naming mga 3rd sex.
Ika nga nila eh.. it’s the thought that count. Kaya Sen Bong Revilla, panalo ka sa puso ng mga bading!!!

No comments:

Post a Comment