Friday, July 10, 2009

Bacooreños


























Kapansin pansin ang pagbabago at pag unlad ng Bayan ng Bacoor.. Madaming proyekto ang napatupad tulad ng paglawak ng kalsada, paggawa ng alternatibong daan, at marami pang iba..
Ang mga Bacooreños ay nakikiisa sa mga proyektong ito sapagkat malaki ang maitutulong nito sa bayan..
Isang Halimbawa nito ay ang sama-samang paglilinis ng kalye ng mga mamamayan ng Bacoor, ito’y isang programa na kung saan pinapakita ang kahalagahan ng malinis na kapaligiran. Alam naman natin na kapag malinis ang ating paligid, makakaiwas tayo sa ibang sakit.
Pagdating naman sa sports, ang mga Bacooreños din ay may maipagmamalaki tulad sa larong basketball. Sa katunayan nagpaliga si Senator Bong Revilla na ang mga kalahok ay mga SK chairman. Sa Bacoor, Cavite mo din matitikman ang iba't ibang masasarap na pagkain tulad ng; adobo, sinigang, tahong, talaba, mechado, menudo atbp.

No comments:

Post a Comment